Today is Saturday, September 19, 2026

Showbiz people umiyak din sa pagpanaw ng Ina ng Demokrasya

MARAMING mga artista at singer ang nakisali sa activities sa lamay at libing para kay dating Presidente Cory Aquino.

They came and offered their talents para kay Tita Cory.

Mas maraming mga ar-tista ang dumating na hindi nakita sa TV.

Dumalo lang sila on their own.

Nakiisa at nakiiyak sa mga nakikiramay sa pamil-ya-Aquino.

Iyon ang pagkakataon ng mga artista na maging mga karaniwang tao lang.

Mayroon pa ngang nagsabi sa amin na sumama siya sa pila at inabot nang mahigit dalawang oras bago nakapasok sa Manila Cathedral.

Maaari naman siyang hindi pumila dahil sikat na showbiz personality naman siya, kaya lang that one time na ang nasa puso at isip ng mga tao ay pagkakaisa.

Kung nakikiisa ka nga naman sa mga karaniwang mamamayan na totoong nagluklok kay Tita Cory sa puwesto noong araw, pi-pila ka.

Hindi ka aarteng isang VIP.

Isang bagay lang ang napansin namin noong na-kaburol si Tita Cory, nagkaisa na naman ang mga Pi-lipino.

Maging sa CNN at iba pang TV stations sa abroad, ang ipinapakita ay ang pagluluksa ng sambayanang Pi-lipino para sa dating Pa-ngulo.

Maganda na naman ang image ng mga Pinoy dahil ang pinag-uusapan ay ang pagkakaroon ng Pilipinas ng ng isang icon ng democracy.

Nakatutuwa na maging ang dating first lady Imelda Marcos ay nakiisa sa mga nakikiramay kay Tita Cory.

Patunay iyon ng simula na marahil ng totoong pagkakaisa ng mga Pilipino.

Nakakatuwa rin na ang pakikiramay na iyon ay ti-nanggap nang buong lugod ni Sen. Noynoy Aquino, na nagsabi na tiyak na magugustuhan din ng mga magulang niyang mapasimulan na ang pagkakasundo.

Maski sa coverage, nagkaisa at nagtulungan ang magkalabang ABS-CBN at ang GMA-7.

Sana nga iyan na ang simula ng pagkakasundo ng lahat.

* * *

SI Annabelle Rama na na-man ang sinisisi nila sa bagong kaguluhan na kinasangkutan ng kanyang anak.

May nagsasabi pang nadagdagan pa raw ang pagkainis ng mga Pardo nang tumalbog ang tsekeng ibinigay ng ilang mga artistang alaga ni Annabelle noong panahong nakaburol si Nomar.

Ang sinasabi nila, talagang sinadyang patalbugin ang mga tsekeng iyon.

Palagay namin unfair naman para kay Annabelle ang mga ganyang salita.

Bakit naman siya pagbibintangan na gagawin ang mga bagay na iyon.

Kawawa rin si Annabelle, siya lagi ang nagiging kontrabida sa mga usapan.

* * *

BUONG Pilipinas ang tumutok sa lamay at libing ng icon ng democracy sa Pilipinas.

Kaya naman hindi nakaligtas sa mga mata ng publiko ang mga kaganapan sa pagkamatay ni Tita Cory.

Obserbasyon ng lahat, putul-putol ang news coverage ng ABS-CBN sa pagkamatay, burol at libing ni dating Pangulong Cory Aquino dahil nagpalabas sila ng commercials. Samantalang dire-deretso at walang patid ang pagpapalabas ng Siyete.

Tila higit ang respetong ipinakita ng Kapuso network na tumanggi sa alok ng advertising agencies para makapagbigay-pugay kay Tita Cory.

Sa kabilang banda, tipong pinagkakitaan pa ng ABS-CBN ang lamay at libing ni dating Pangulong Cory.

Sinadya kaya ng Dos na magbenta ng commercial spots sa kanilang coverage sa pagkamatay ni Tita Cory?

Pero teka, ‘di ba napakalaki ng utang na loob ng Kapamilya kay Tita Cory dahil siya ang naging daan para maibalik ang Dos sa mga Lopez?

Nagtatanong lang po dahil naapektuhan kami sa katotohanang mukhang ginawang negosyo ng ABS-CBN ang lamay at libing ng pinakamamahal nating dating Pangulo.

Kung ordinaryong coverage lang po ito, okey lang na magbenta ang Dos ng commercial spots sa kanilang pagpapalabas.

Pero tungkol po ito sa “pamamaalam” ng taong pinagkakautangan natin ng ating kalayaan ngayon.

* * *

MATINDI ang tsismis na ito.

Isang male star na nagsimula sa isang talent search at pantasya ng maraming mga bading ay bading din pala.

Marami na raw ang ma-kapagpapatunay na may activities ito na hindi aakalain ninuman na gagawin niya.

Pero alam naman ninyo ang mga ganyan, puro tsismis lang iyan.

Wala namang ebidensiya.

At saka nagdududa kami dahil puro second-hand information lang ang duma-rating na tsismis, eh.

Wala namang umaamin sa amin na talagang sila ang makapagpapatunay ng isyu.

Still, hindi pa rin ma-matay-matay ang tsismis tungkol sa male star na ito.

Related Keywords

, , ,

Related Articles

ad

Post a Comment




All comments are read and approved before they display. Comments with profanity or personal attacks will be rejected.

By posting your comment you agree to the terms of service and privacy policy.