Today is Saturday, September 19, 2026

'Ang Tatay Kong Nanay,' ire-remake ni Diether

NAG-LAST taping day na nu’ng Biyernes ang seryeng Only You na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Diether Ocampo at Sam Milby. Sa San Juan at Quezon City kinunan ang mga huling eksena nito.

Sayang at hindi na namin napuntahan ang wedding scene nina Angel at Sam. Sobrang late na kasi ito kinunan. Pero ayon sa ilang production staff na nakausap namin, bongga raw ang eksena at parang totohanan ang kasalan.

Si Diether lang among the stars ng Only You ang nakausap namin na nasa Quezon City location. Ayon sa aktor, apat na araw na silang walang tulog. Madalas ay umaga na raw sila natatapos then iko-call time sila that same day din ng lunch time kaya three hours lang daw ang kanilang pahinga.

Pagkatapos ng taping nila nu’ng Biyernes, nagpunta naman ang cast ng Only You sa kanilang celebrity bazaar sa loob ng PDA hall nu’ng Sabado. Kahapon, nagkaroon naman sila ng outreach program sa Payatas.

Sa August 21 mapapanood ang huling episode ng Only You. Pero hindi pa sigurado kung sa parehong timeslot ilalagay ang Dahil May Isang Ikaw na ipapalit dito na pinagbibidahan naman nina Lorna Tolentino, John Estrada, Gabby Concepcion, Chin-Chin Gutierrez, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle at Sid Lucero.

* * *

SPEAKING of Diether, ibinalita ng aktor sa amin na kinausap na niya si Mang Dolphy para sa remake ng pelikula nito nu’ng dekada 70 na Ang Tatay Kong Nanay. Gustung-gusto ni Diether na gawin ulit ang pelikula.

Kung saka-sakali, ito ang unang pelikula na ipo-produce niya. Siya ang gaganap ng role dati ni Mang Dolphy at gusto niya si Santino para naman sa role ni Niño Muhlach. Ikino-consider naman niya si Piolo Pascual sa role dati ni Phillip Salvador, ang lover ni Dolphy sa movie.

“Humingi na ako ng permiso sa kanya (Dolphy). Kinausap ko na siya. Ang sabi niya sa akin, ‘alam mo ba na ‘di ako nanalo do’n?’ Tapos tinanong niya ako ulit kung gusto ko raw ba talagang gawin ulit ‘yung movie. Sabi ko, sobrang gusto ko!” kuwento ni Diether.

Tinawagan na rin ni Diether ang scriptwriter na si Racquel Villavicencio para kuning scriptwriter ng pelikula.

Ang Tatay Kong Nanay ay idinirek noon ni Lino Brocka. Sino ba ang gusto niyang magdirek nito ngayon?

“Hindi ko pa alam. Ang dami ko pang direktor na hindi nakakatrabaho. Siguro, isa sa kanila o baka si Direk Rory (Quintos) na lang,” kuwento pa niya.

More Showbiz & Chismis Articles

B-day gift na house and lot ni Dingdong, itinanggi ni Marian

Sabi ni Marian Rivera na ang nakaraang August 12 ang happiest birthday niya.

Read more

Iza admits dating a new guy

“Sorry, but I don’t think kailangang mag-wish ka pa,” she says. “I think kung may nakalaan anuman si Lord for you, ‘yun ang makukuha mo.”

Read more

Maricel na-insecure kay Wendell?

TODO-DENY si Wendell Ramos na siya ang dahilan kung bakit biglang “nag-alsa-balutan” sa poder ni […]

Read more

Marian nagkasugat-sugat sa DARNA

After four years, mu-ling binuhay ng GMA7 ang Darna na mapapanood sa Aug. 10. This […]

Read more

Jolina reveals affair with band member

JOLINA Magdangal was featured in The Story of Your Life segment of “Showbiz Central”. Her […]

Read more

Where to, Mark?

WHAT has happened to the first ultimate winner of StarStruck, Mark Herras? It’s sad to […]

Read more

It will take a lifetime for us to be okay — Kris

Kahapon ay inihatid na si dating Pangulong Corazon Aquino sa kanyang huling hantungan at nakakakilabot […]

Read more

Share ng ‘lustayerang’ si Kris, ilalagay sa trust fund — Ballsy

Pansamantalang nawala ang network war sa libing ni former President Cory Aquino dahil sama-sama at […]

Read more

Ex-senator John Osmeña imbiyerna sa TV host na feeling superstar

KALOKAH itong female TV host ng isang sikat na noontime show dahil feeling superstar at […]

Read more