Today is Saturday, September 19, 2026

'Ang Tatay Kong Nanay,' ire-remake ni Diether

NAG-LAST taping day na nu’ng Biyernes ang seryeng Only You na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Diether Ocampo at Sam Milby. Sa San Juan at Quezon City kinunan ang mga huling eksena nito.

Sayang at hindi na namin napuntahan ang wedding scene nina Angel at Sam. Sobrang late na kasi ito kinunan. Pero ayon sa ilang production staff na nakausap namin, bongga raw ang eksena at parang totohanan ang kasalan.

Si Diether lang among the stars ng Only You ang nakausap namin na nasa Quezon City location. Ayon sa aktor, apat na araw na silang walang tulog. Madalas ay umaga na raw sila natatapos then iko-call time sila that same day din ng lunch time kaya three hours lang daw ang kanilang pahinga.

Pagkatapos ng taping nila nu’ng Biyernes, nagpunta naman ang cast ng Only You sa kanilang celebrity bazaar sa loob ng PDA hall nu’ng Sabado. Kahapon, nagkaroon naman sila ng outreach program sa Payatas.

Sa August 21 mapapanood ang huling episode ng Only You. Pero hindi pa sigurado kung sa parehong timeslot ilalagay ang Dahil May Isang Ikaw na ipapalit dito na pinagbibidahan naman nina Lorna Tolentino, John Estrada, Gabby Concepcion, Chin-Chin Gutierrez, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle at Sid Lucero.

* * *

SPEAKING of Diether, ibinalita ng aktor sa amin na kinausap na niya si Mang Dolphy para sa remake ng pelikula nito nu’ng dekada 70 na Ang Tatay Kong Nanay. Gustung-gusto ni Diether na gawin ulit ang pelikula.

Kung saka-sakali, ito ang unang pelikula na ipo-produce niya. Siya ang gaganap ng role dati ni Mang Dolphy at gusto niya si Santino para naman sa role ni Niño Muhlach. Ikino-consider naman niya si Piolo Pascual sa role dati ni Phillip Salvador, ang lover ni Dolphy sa movie.

“Humingi na ako ng permiso sa kanya (Dolphy). Kinausap ko na siya. Ang sabi niya sa akin, ‘alam mo ba na ‘di ako nanalo do’n?’ Tapos tinanong niya ako ulit kung gusto ko raw ba talagang gawin ulit ‘yung movie. Sabi ko, sobrang gusto ko!” kuwento ni Diether.

Tinawagan na rin ni Diether ang scriptwriter na si Racquel Villavicencio para kuning scriptwriter ng pelikula.

Ang Tatay Kong Nanay ay idinirek noon ni Lino Brocka. Sino ba ang gusto niyang magdirek nito ngayon?

“Hindi ko pa alam. Ang dami ko pang direktor na hindi nakakatrabaho. Siguro, isa sa kanila o baka si Direk Rory (Quintos) na lang,” kuwento pa niya.

Related Keywords

, , ,

Related Articles

ad

Post a Comment




All comments are read and approved before they display. Comments with profanity or personal attacks will be rejected.

By posting your comment you agree to the terms of service and privacy policy.